RegisterHomeForumsGallerySearchFAQMemberlistLog in
Kung Pinoy si Noah.... Ganito ang mangyayari sa barko.

 
Reply to topic    DOST-SEI Online :: [Scholars and Alumni Community] Forum Index » The Writers not the Righters View previous topic
View next topic
Kung Pinoy si Noah.... Ganito ang mangyayari sa barko.
Author Message
JHL
DOST-SEI Administrator
DOST-SEI Administrator


Joined: 12 Jun 2006
Posts: 1683
Location: Davao City

Post Kung Pinoy si Noah.... Ganito ang mangyayari sa barko. Reply with quote
Kung Pinoy si Noah....
Ganito ang mangyayari sa barko.

Read along



Taong 2005 at isang ordinaryong middle class pinoy si Noah. Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing "Pagkataposng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba't ibang kapuluan."

Ibinigay kay Noah ang specs ng Arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha. Lumipas ang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos, "Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo?" Tumugon si Noah, "Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo ."At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko.

Humingi siya ng Mayor's permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin. Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang 30% commission. Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at nag-strike. Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay).

Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay. Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng mga gambling lords at katas ng weteng. Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado "in aid of legislation". Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive official, napilitan siyang tumistigo. Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng church at state.

Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon na ang barko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang
pagtakas. Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo. Nilapitan ni Noah si Mike
Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan
"Towards a Strong Republic". "

Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng arko. Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto." Ang huling wika ni Noah. Napa-iling ang Diyos at sinabing, "Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito. Hayaan ko na lang kayong sumira nito."

_________________

Nursing Jobs Abroad :: Cebu Pacific
Mon Jul 17, 2006 6:22 am View user's profile Send private message Visit poster's website AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger ICQ Number
JHL
DOST-SEI Administrator
DOST-SEI Administrator


Joined: 12 Jun 2006
Posts: 1683
Location: Davao City

Post Reply with quote
wahehehe.. walang nag reply sa topic ka ah.. huhuhuu Blue_PDT_01_13

_________________

Nursing Jobs Abroad :: Cebu Pacific
Wed Aug 23, 2006 10:12 am View user's profile Send private message Visit poster's website AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger ICQ Number
zenlous
Superior Prime Mover
Superior Prime Mover


Joined: 27 Jul 2006
Posts: 42

Post Reply with quote
Buti na lang hindi naging Pinoy si Noah! ha ha ha Blue_PDT_01_05

Sad to say, pero pansin nyo ba ang mga negative feedback kapag Pinoy na ang nakialam?..tsk..tsk..tsk.. Blue_PDT_01_14

Kelan ka magbabago Pinoy? Blue_PDT_01_13


_________________
-->>PRIDAM OP SPIK -->>
09214729224
Wed Aug 23, 2006 11:38 pm View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
JHL
DOST-SEI Administrator
DOST-SEI Administrator


Joined: 12 Jun 2006
Posts: 1683
Location: Davao City

Post Reply with quote
ang pinoy ay pinoy... negative man ang pananaw nila sa atin.. ayon pa sa libro ni bob ong.. hehehe... nung sa isang restaurant daw sa abroad.. may isang pinoy, tapos may tumabi sa seat nya na isang foreigner.. tapos nag ask yung foreigner, or gawin nalang nating kano... "From which county you came from?", sabi ng Pinoy "I'm from the Philippines, how about you?".. di na sumagot ang kano, at lumipat agad ng upuan.. wahahaha... ganun tayo ka negative sa ibang bansa :D

basta basahin nyo yung bakit baliktad magbasa ng libro ang pilipino, malalaman nyo kung gano kaliit ang tingin sa atin ng mga taga ibang bansa :D

_________________

Nursing Jobs Abroad :: Cebu Pacific
Wed Aug 23, 2006 11:53 pm View user's profile Send private message Visit poster's website AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger ICQ Number
zenlous
Superior Prime Mover
Superior Prime Mover


Joined: 27 Jul 2006
Posts: 42

Post Reply with quote
Nabasa ko na yung libro ni Bob Ong na yun! kaso di lahat, katuwa nga yun.

abanakakabasanapalaako. wahehehehe...

Ang problema hindi na natin ma-improve ang mga negative feedbacks na yon! wahhhhh Blue_PDT_01_14


_________________
-->>PRIDAM OP SPIK -->>
09214729224
Thu Aug 24, 2006 5:40 am View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Von
Freshmen
Freshmen


Joined: 30 Jun 2006
Posts: 2
Location: Taguig City

Post wow nice.. Reply with quote
Blue_PDT_01_01 Blue_PDT_01_01 hehehe..galing ng kwen2 nice one...sapul... Blue_PDT_01_01 Blue_PDT_01_01
Mon Nov 20, 2006 6:06 pm View user's profile Send private message Send e-mail
alpha
Supreme Erudite Data Analyst
Supreme Erudite Data Analyst


Joined: 02 Jul 2009
Posts: 687
Location: Nueva Vizcaya

Post Reply with quote
sana nga pinoy si noah

_________________
helow,,,AWOOOOO!!!!!AWOOOOO!!!!!
Wed Nov 28, 2012 9:15 am View user's profile Send private message Send e-mail
Display posts from previous:    
Reply to topic    DOST-SEI Online :: [Scholars and Alumni Community] Forum Index » The Writers not the Righters All times are GMT + 8 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to: 
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Copyright © 2006 - 2013. DOST-SEI Scholars Online Community. All Rights Reserved